Tigdas/Measles: Mga Sintomas, Pagkain at Lunas

Pagkatapos ng Dengvaxia incident maraming magulang ang natakot na pabakunahan ang mga anak ng libreng bakuna na inaalok ng DOH Health Centers. Yung iba sa atin hindi na pinabakunahan ang mga anak laban sa measles, tetanus, rubella at cervical cancer
(HPV).

Nito lang week dinala namin uli si Chelsea sa Pedia nya dahil sa pabalik-balik na lagnat at ang napansin ko na rashes sa may bandang dibdib at tyan nya. Sinabi sa amin ng doctor na patuloy namin obserbahan si Chelsea dahil maaring mayroong Measles outbreak, sapagkat 3 na sa kanyang naging pasyente ng araw na iyon ay postive sa measles.

Nagdeclare ng measles outbreak ang DOH sa Zambonga City noong February 2018, 495 na kaso
sa Davao city starting from January-September 2108, at barangay sa taguig
noong March 2018.


Anu-ano nga ba ang sintomas ng tigdas (measles)? Mga kailangang gawin? Mga pagkain na 
pwede at bawal kainin.


2 uri ng tigdas o Measles

Tigdas
Tigdas Hangin


Sintomas:


  • Rashes o pamamantal
  • Dry cough
  • Lagnat
  • Sipon
  • Walang gana kumain
  • Pagsusuka
  • Pamumula ng mata
  • Pananakit ng katawan
  • Maliliit na spot sa loob ng bibig


Ito ay karaniwang sakit ng mga bata pero dahil sa pagbabago ng panahon hindi lang mga bata ngayon ang
nagkakatigdas.


Ang tigdas ay galing sa isang uri ng Virus na kung tawagin ay Morbilivirus
paramyxovirus at isang uri ng airborne disease. Mabilis itong makahawa sa pamamaghtian
lamang ng pag-ubo at pagbahing, at dahil sa kakatapos na holiday season, ang dami ng tao na maaring makapagpasa nito sa iba ay maaring dumoble kayat karampatang pagiingat ang dapat gawin.



Mga Kailngang gawin
1. dalhin agad sa doktor at iwasan mag self medication
2. sapat na pahinga
3. painumin ng maraming fluids ( tubig, juice )
4. Sundin ang mga gamot na nireseta ng doctor para sa ubo
5. sa pakangangati, isanguni sa doktor kung ano ang gamot na dapat ipainom at ipahid
sa rashes






Natural Remedies

- Lemon Juice
- Turmeric Juice
- Bigyan ng masusustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas
     - Broccoli
     - Spinach
     - Apple Sauce
     - Saging
- Lutuan ng mga pagkain na may sabaw katulad ng tinola, sinigang,nilaga at iba pang
soup



Bakuna para sa Tigdas

MMR vaccine ( Measles, Mumps and rubella )


Ang tigdas ay nakakahawa at delikado kaya mas makakabuti na dalhin agad sa malapit na Health Center o Hospital ang bata na may tigdas

For more of The Kitchen Mom adventure, you can visit my Instagram account @thekitchenmom and Facebook Page @TheKitchenMom and please do always visit my blog for more of my featured restaurants, new products, health, adventures and more at www.thekitchenmombydhess.

Comments

Aica Mora said…
Kumpleto po sa bakuna ang mga anak ko,pero hindi padin ako nagpapakampante kasi sa panahon po ngayon kaliwa't kanan si virus,andiyan lang sa tabi tabi waiting na bumaba ang resistensiya natin lalo na mga bata at tska sila aatake.Thank you po sa tips nato mommy dhess,mas maraming naliliwanagan kapag mabasa nila to kesa sa mga hearsay lang ng mga tao sa paligid nila na pwedeng makabuti at pwede din makasama kapag hindi naman talaga adviseable ang binibigay nilang advise..
My in-laws po ayaw po talaga sa vaccination kaya nahihirapan po akong pabakunahan yung mga anak ko kasi against talaga sila. Ang panganay ko po ay natigil sa pagpapabuka noong 5months pa lang sya dahil nagka pneumonia po sya at advice ng doctor after a month ko raw muna ibalik sa pagpapabakuna pero hindi na ako nakabalik kasi pinagsabihan ako ng in-laws ko na wag na raw ibalik dahil ang pagpapabakuna raw ang dahilan kung bakit nagkasakit ang anak ko which is not true naman po, pero wala akong magawa that time kasi sila po yung sumosuporta sa amin. Mas lalo nila akong hinigpitan nong lumalas ang issue ng dengue vaccine, anlaki po ng pinsala na naidulot ng issue na to, nawawalan ng tiwala ang mga tao sa vaccination program ng gobyerno. Ngayon 2 years old na po anak ko at hindi pa rin kompleto sa bakuna. Nagwoworry po sa anak ko kasi observe ko talaga sa kanya ay madali lang mahawa ng sakit, more on skin problems po, last year ilang beses akong pa balik-balik sa doctor dahil nagkakarashes sya malalaki at malilit and complain nya masakit raw. I just pray nalang po talaga na magawan ko ito ng paraan para makompleto yung bakuna ng anak ko at nang hindi sya madaling mahawa ng kahit ano mang sakit.
Cielo Jonna said…
Huhu natatakot ako for my kids. Yung anak ko dinala nla mama kanina sa ospital kasi daw dumugo ilong at sumuka na may kasamang dugo :( baka may dengue tas ung bunso ko ngaun may lagnat matamlay may rashes sya tas nagsusuka sya huhuhuhu T.T sana gumaling na sla momsh..
Ma Theresa Priela said…
Yung 2Boys ko nman mosh. Complete nman sa Vaccine sa Public health center. Kc sa private daw Marami pa daw vaccine para sa mga bata. Nakakatakot kpag first time na magkaron nyan mga bata. I advice Naman na Dont panic kc aq ganun ginagawa ko kapag may sakit mga anak ko kinakalma ko sarili ko instead na mag panic aq dalhin ko na agad sa health center. Mahirap magkasakit ang mga Bata . Kaya sana gumaling na LAHAT ng basang maysakit ngaun๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™
Joan Tobias said…
Mahirap makampante ngaun lalo uso ang sakit na tigdas ngaun. Kaya hindi ko mashado pinapalabas si bunso ngaun gawa ng takot din ako na baka mmaya ay mahawa sya. Sa panahon ngaun mahirap magkasakit. ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”
Jenny Cleofas said…
Yes po relate ako,kasi ngconduct nanaman ng bakuna sa school pero hnd nmn pra sa dengvaxia,maraming nanay ang hnd umatend,pero kmi ng daughter ko umattend kasi it for was anti tetano na usually common na tlgang tinuturok sa mga bata at no worries nman
pchi peach said…
Sa ngaun buti nlng ndi pa nagkkatigdas ung panganay q. continues lng aq ng pagvivitamins sa knya para khit panu lumaks resistensya nya
Kumpleto naman ang baby ko sa vaccine . Pero di parin ako mapanatag pag may mag naririnig akong ganyan kasi marami din daw namamatay sa vaccine .. KaiLangan talaga maging alert tayo sa lahat pati sa pag papabakuna sa mga kids naten ..
Anafe Compoc said…
Ung sa baby ko naman po tapos na at na kumpleto na bakuna nya..pero dapat tlaga hindi pa din tayo mag kampante lalo na sa panahon ngayon na mabilis din ngkakasakit ang mga bata sanhi nong mga virus na nggagaling sa hangin..mahirap na po kasi momshie kung ang bata ang nagkakasakit..
Narissa Maquera said…
iba na talaga ang panahon ngayon kaya sobrang pag iingat ang kailangan kaya naman kahit prevention ‘lang’ gaya ng sabi ng iba ang bakuna ay laking tulong pa din, para maiwasan ang agarang pagkahawa o pagkakaroon agad agad ng mga sakit. Marami parin talagang ‘negative’ ang dating ng bakuna gawa ng takot at walang tiwala, pero iba na din talaga kasi ang mga sakit ngayon nag le-level up na din cla. Naalala ko ang sabi sa akin ng tatay ko noon na kaya ko daw pinapabakuna ang mga anak ko ay para sa ‘peace of mind’ dahil fi naman daw “uso” ang bakuna noon. Tama rin naman na “Peace of mind” din (sa isang banda), pero kung yun naman ang ikakaligtas ng mga anak ko gagawin ko lahat para sa kanila. kung level up ang mga sakit sakit, dapat mas level up din tayo para labanan sila.


FB: narissa maquera
YT: narissa maquera
IG: ishmacq2013
yes, usong uso ang tigdas may isang ospital dito sa amin outbreak na ang tigdas 1 to 6 months meron na talagang doble ingat tayo mga mommies, dahil ung mga ganitong edad ng bata ay wala pang injection ng measles sobrang toxic ang hangin natin. so dapat sa mismong bahay natin panatilihing malinis at healthy ang mga kinakain at iniinom mahirap magkasakit totoo. maraming salamat sa tips.
FB: Donna Ria Mahayag
YT: Donna Ria Mahayag
IG: @dimplecrusher
Twitter: @sweetsexy0009
Yes momshie uso ngayon Ang tigdas kahit Yung anak ko kompleto sla sa vaccine pero nagkaroon cla Ng tigdas Ng Kuya nya pero gumaling din agad sila, iyon lang ang kagandahan Ng may anti measles kc kapitan man Ng sakit Ang mga anak natin Hindi ganun kalala kc napaturukan po natin...
Yes momshie uso ngayon Ang tigdas kahit Yung anak ko kompleto sla sa vaccine pero nagkaroon cla Ng tigdas Ng Kuya nya pero gumaling din agad sila, iyon lang ang kagandahan Ng may anti measles kc kapitan man Ng sakit Ang mga anak natin Hindi ganun kalala kc napaturukan po natin... Kaya thank God pa Rin ako kasi gumaling agad ang mga baby ko๐Ÿ™

Fb:Mary Rose Balingit
IG:@baby03rose
Twitter: baby03rose
Wow thank you Momshie sa tips ang hirap talaga Pag nagkatigdas ang bata Lalo na ang baby ko kulang sa bakuna kasi nahinto ko at nahiya na along dalhin ang panganay ko kasi 2 yrs old na.
Jennifer Jimena said…
Sa awa ng diyos mommy di nman nagkatigdas mga anak ko siguro dahil sa kumpleto nman bakuna nila nung baby pa,sabi nga raw kahit malaki na nagkakatigdas pa rin,kawawa yung mga bata palang nagkakatigdas na,dpat talaga alaga ng magulang sa bakuna.nakakatakot na magkasakit ngayon mommy,d lang pera pati pa mga komplikasyon dulot ng masamang kapaligiran natin.
Fb: jennifer jimena
Yt:jennifermarquez749@gmail.com
IG: @ladyenj
Queen A said…
Ibang iba na talaga ang panahon ngayon. Andami na ding mga sakit na nagsusulputan. Kaya naman doble ingat ko lalo na ngayong nanay na ako. Kapag umabot na ng 2-3days ang lagnat check up na kagad. Kahit wala pang pera, kuha muna ko sa savings na tinatabi. Recently nagkatigdas bunso ko na 9mos old. Hay nakakatakot. Kaya sa panahon ngayon kailangang palakasin talaga immune system ng mga bata. At pati ndin sating mga nanay.

Ig yes.its.queenly
FB Queenly Amparado
YT Queen A
Lovell Compoc said…
So far may bakuna po 3 kids ko pero hirap makampante. Nung galing kami Bohol and Cebu this January , nagkasakit sila and i worried a lot. Buti nlng okay na sila now. Take note ko etong remedies Momsh para prepare narin and will relay sa neighbors para di lalo mkahawa.
Julie said…
Syempre nman.po kawawa nman Yung mga batang ngpabakuna tas namatay din๐Ÿ˜”matatakot n talaga magpabakuna Sa mga libreng pabakuna ng gobyerno๐Ÿ˜•
Fb:Julie escalora
juliescalora70@gmail.com
IG:ladyjulie00
Thank you so much po mommy sa info na to..super big help po ito para saming mga nanay nadin,lalot meron po akong 4 babies age 5,3,2 and 1month old po..kaya super natatakot po ako para sa mga anak ko..pero now bukod sa may vaccine naman ng mmr yung 3kids ko,magiingat padin po ako para sakanila,team bahay muna kami lalot may 1month old baby po ako..maraming salamat po tlaga mommy for this info..bighelp po..godbless po..
Lovell Compoc said…
Reading this again dahil bigla akong nangamba sa measle outbreak �� Salamat sa tips Momsh .
Unknown said…
Aq po ung 2 anak q po. .kumpleto po sila sa bakuna na galing sa center. .
Unknown said…
Kompleto n din po ung 3yrs old kung anak..