Pwede Pala: Papaano Nakatulong ang Solar Lights sa Bill Namin

Habang nakatingin sa Meralco bill namin, na-imagine ko yung mga huling taon ng 90s. Panahon na parang normal na lang ang brownout.

Naaalala ko noon, halos every other day may brownout sa lugar namin. Pero bilang bata, hindi ko naman siya tinitingnan bilang malaking problema. Kapag nawawalan ng ilaw sa gabi, automatic na lalabas ang mga kapitbahay para magpahangin sa labas, makipagkuwentuhan, at siyempre, pagkakataon ko na rin makipaglaro ng taguan sa mga kababata ko.

Somehow, yung dating nakakainis na brownout naging parte pa ng childhood memories ko.

Fast forward more than 20 years, bilang nanay, ako naman ngayon ang nagbibilang ng bawat pisong pumapasok at lumalabas sa bahay.

Unlike before, mas kaunti na ang brownout na nararanasan ngayon, pero mas ramdam naman ang taas ng electric bill, na madalas sumira sa family budget.

These past few months, mas lalo akong kinabahan dahil napansin kong tumataas na ang bill namin. Hindi pa nga peak season noon. Iniisip ko na kung magkano na naman ang babayaran namin kapag talagang uminit na.

Kaya naisip ko, baka may maliit man lang akong puwedeng gawin para makatipid sa kuryente o mapigilan yung sobrang pagtaas ng bill namin.

After seeing posts, reels, and mga feedback ng mga nakasubok na, I finally decided na bumili.

Bakit ko sinubukan ang Solar?

Honestly, simple lang ang dahilan ko: gusto kong makatipid.

Aside from the positive feedback na nakita ko online sa mga gumagamit ng solar lights, na-curious din ako kung ano yung actual benefits na makukuha namin sa paggamit nito.

After considering our estimated consumption for summer, base sa sarili naming estimate, posible na umabot ng around ₱9,000-₱10,000 ang monthly bill namin kung hindi magbabago ang aming consumption.

Doon pa lang, kabado na ako. Dagdagan mo pa yung mga nagpo-post ng bill shock sa electric bills nila online. Kaya napaisip talaga ako kung "May pwede ba akong gawin dito?"

Hindi ko naman kayang kontrolin ang electricity rates. Hindi ko rin naman kayang patayin ang aircon at sabihin sa pamilya ko na "Tiis lang tayo."

Siyempre, nag-start ako sa mga bagay na kaya naming baguhin at pasok pa rin sa budget.

Considering yung mga online reviews, bumili ako ng tatlong solar lights para sa bahay.

Isang outdoor lamp na may built-in solar panel na nilagay namin sa rooftop deck, then dalawang indoor solar lights. Isa para sa 3rd floor, and isa para sa room namin ni husband, as backup for blackouts, and ginagamit din namin as alternative sa regular light bulb or dim light.

Yung dalawang indoor lights, comes with its own solar panel na may mahabang wire connector na kayang umabot ng 1st floor from 3rd floor roof, which I found useful for our setup.

Nakatulong ba talaga sa electric bill?

Sa experience namin, solar lights alone ay hindi magic solution. Hindi naman biglang bumagsak ang electric bill namin dahil lang sa solar lights.

Nagpatuloy pa rin ang electricity hike from May to June. At siyempre, malaking factor pa rin ang paggamit namin ng aircon, appliances, at iba pang electrical devices sa bahay.

Pero may isang bagay na nagbago. May ilang ilaw na hindi na namin kailangang kunin sa regular electricity supply.

Yung floodlight sa third floor, solar na, along with the indoor light. At yung isa, nasa room namin, ginagamit namin minsan bilang regular light, or back up if may biglaang brownout.

Aside from this, mas naging conscious din kami sa paggamit ng kuryente. Mas napapansin na namin kapag may ilaw na naiwan. We also unplug yung mga appliances na hindi naman ginagamit.

Sa peak ng summer, nasa around ₱4,000 to ₱6,000 ang bill namin. Mataas pa rin, pero within our budget. Hindi rin namin masasabi na solar lights lang ang dahilan, dahil nakatulong din ang mas maingat naming paggamit ng kuryente.

If you notice. Yung consumption namin for the same months from the previous year, we did try to make sure na mas mapababa pa yung consumption namin this year, and I can say na nakatulong yung mga changes sa habits namin sa paggamit ng kuryente along with changing some of our bulbs to solar lights.

Sulit ba ang solar lights?

Para sa experience namin, oo, sulit siya kung tama ang expectation mo.

Hindi mo dapat bilhin ang solar light thinking na papalitan na nito ang buong electricity supply ng bahay.

Hindi ganun.

Mas practical siyang gamitin para sa areas na kailangan ng lighting pero hindi naman kailangang konektado sa main power.

Para sa amin, magandang examples yung rooftop, outdoor areas, hallway or third floor, at isang room na gusto mong may backup lighting kapag brownout.

Bonus na rin kung magagamit mo siya bilang regular light kapag fully charged.

At para sa akin, malaking advantage din yung peace of mind na kapag biglang nawalan ng kuryente sa gabi, may ilaw kang naka-ready.

Mas malaking bagay pala yung pagbabago sa habits

Siguro ito yung pinaka-natutunan ko sa maliit na experiment na ito.

Dati, kapag tumataas ang kuryente, ang default reaction ko rin ay:

"Tiis na lang."

Pero habang ginagamit namin ang solar lights, mas napansin ko rin yung ibang habits namin sa bahay.

Kailangan ba talagang bukas ang ilaw na ito?

May gumagamit ba nito?

Kailangan bang naka-on buong gabi?

Maliit na bagay lang ang mga tanong na 'yan. Pero kapag paulit-ulit mong ginagawa, nagiging habit din.

Doon ko na-realize na hindi naman kailangang isang malaking investment agad para makapagsimula.

Minsan, isang ilaw lang.

Pwede pala

Hindi ko sinasabing solar lights lang ang sagot sa problema ng mataas na electricity bill.

Hindi nito aalisin ang main electricity consumption ng bahay. Hindi rin nito papalitan ang aircon, refrigerator, washing machine, at iba pang malalaking appliances na talagang kumokonsumo ng kuryente.

Pero para sa amin, naging magandang first step siya. And we are also considering asking for quotations for solar panel installation in the future, para mas makatipid pa sa kuryente.

It reminded me na may mga maliit na bagay pala kaming puwedeng baguhin.

If nung 90's, ang ilaw ng kandila or gasera ang nagpapaliwanag sa mga brownout na gabi.

Ngayon, mas accessible na para sa households like ours ang maliliit na solar lights, at convenient silang gamitin lalo na kapag brownout.

Para sa akin, ang pagiging resilient ay kasama rin ang paghahanap ng maliliit na pagbabago na puwedeng gawin sa bahay. Making our past experiences as lessons, taking advantage of technology to improve our way of life.

Kung matagal mo nang iniisip kung sulit ba ang solar lights para sa bahay, baka hindi mo kailangang magsimula sa malaking setup.

Para sa amin, sapat nang magsimula sa isang ilaw para makita kung paano ito gagana sa household namin.

At sa experience namin, doon ko na-realize:

"Pwede pala."

Comments