Skip to main content

Protect your heart and bank account this love month








Masakit mabasted. Pero mas masakit mawalan ng pera sa bank account.

Habang papalapit ang araw ng mga puso huwag hayaang maging biktima ng mga mapagsamantala, hindi lahat ng mga matatamis na salita ay ginawa para paibigin ka, it rin ay ginagamit ng ibang tao para maloko ka, lalong lalo na ng mga kawatan na handing samantalahin ang ganitong mga okasyon para sa pansariling kapakanan.

Todo ang pangungumbinsing ginagawa ng ilang kawatan hanggang sa makuha nila ang inyong personal na impormasyon, na gagamitin nila para mapasok ang iyong account at makuha ang lamang pera nito.

Alam nilang manipulahin at paglaruan ang feelings ng mga tao kapag Valentine’s. Base sa report ng US Federal Trade Commission, $143 milyon ang nawala sa mahigit 21,000 kaso ng cyberfraud sa Amerika nung 2018. Mas marami pa ito kumpara sa $33 milyon mula sa 8,500 kaso nung 2015.

Pero merong mga paraan para maiwasang ma-fall sa mga scam na ‘di lang masakit sa puso, kundi rin sa bulsa. Ito ang ilan sa mga pwede n’yong gawin ngayong buwan ng Feb-ibig.


Signed, sealed, delivered—sa e-mail mo!

Maaaring nakatanggap ka ng text message mula sa isang service provider na nagsasabing merong bulaklak o ibang Valentine’s gift na ide-deliver sa ‘yo. Laman ng text ang iyong pangalan, isang order tracking number, at isang link papunta sa website ng service provider.

Kapag nasa website ka na, hihingin na nito ang ilang personal na detalye para makuha mo ang sinasabing mga ide-deliver. Maaari ka rin daw bigyan ng isang special gift, basta maipasok mo ang iyong credit card number.


Love Note #1: ‘Wag basta i-click ang mga pekeng website

Posibleng inatake ka ng mga scammer gamit ang isang pekeng website, na kopyang-kopya ang lehitimo at pinagkakatiwalaang website ng isang kumpanya. Ginagamit ito para makakuha ng personal na impormasyon para makapagnakaw ang mga cyber-kawatan mula sa inyong mga bank account. Kung sa tingin n’yo’y peke ang napuntahang website, bisitahin ang official website ng kumpanya.

Phishing ang tawag sa gawaing ito. Para labanan ang phishing, iniiwasan ng maraming kumpanya, lalo na ang mga bangkong gaya ng BDO, na magpadala ng mga text o e-mail na may mga website link. Tandaang hinding-hindi magpapadala ang BDO ng text o e-mail para ma-verify ang inyong account. Kung sa tingin n’yo’y nakatanggap kayo ng phishing message, agad itong i-report sa ReportPhishing@bdo.com.ph.


Matchy matchy!

Nakakuha ka ng ka-match mo sa isang dating app. Maganda ang kanyang profile. At dahil nakita niya ang iyong magandang profile, siyempre, gagawin niya ang lahat para ika’y kilalanin. Sasabihin niya sa ‘yo na mataas ang kanyang pinag-aralan at meron siyang magandang trabaho o negosyo. Mapapaniwala ka naman sa ganda ng kanyang profile.

Kapag nangyari ‘yun, magsasabi siya na meron siyang problema sa pera. Pwede itong tungkol sa negosyo o sa isang kamag-anak na may matinding sakit. Gagawa siya ng kwento base rin sa profile mo para kalauna’y makahingi siya ng pinansyal na tulong. Maaari siyang magpadeposito ng pera sa bangko o humingi ng personal na impormasyon. Maging alerto! ‘Wag ma-fall sa kanyang panloloko.


Love Note #2: ‘Wag na ‘wag i-share ang inyong personal na impormasyon

Ang taong masyadong mapagtiwala, malamang magiging biktima – sa pag-ibig man o sa pakikipag-usap sa taong akala’y katiwa-tiwala, pero ‘yun pala’y may kalokohang balak. Walang pinipiling panahon ang cyber-kawatan kahit pa buwan ng mga puso. Kaya laging paalala ng kapulisan, maging mapanuri, lalo na sa mga humihingi ng pera sa inyo.

Maging alisto sa inyong mga nakakahalubilo, online man o offline. Wala namang problema na mag-share kayo ng mga kwento ukol sa isa’t isa, pero ‘wag ang inyong sensitibong impormasyon na dapat kayo lang ang nakakaalam, tulad ng account usernames, passwords, at one-time passwords (OTP).

‘Wag na wag i-share ang mga sensitibong impormasyon kahit kanino, kahit sa kamag-anak, malapit na kaibigan, o kahit sa nagpapakilalang taga-BDO. Tandaan: hinding-hindi hihingin ng BDO ang inyong personal na impormasyon.


Love Note #3: Laging maging alerto kontra-scam

Kahit kailan, maski buwan ng mga puso, ay walang puso ang mga scammer. Mambibiktima lang sila ng kung sinong madaling mahulog sa kanilang patibong.


Pero may pwede kayong gawin para labanan sila. Basta kayo’y laging alerto at mapanuri, kaya ninyong maisahan ang mga scammer at mapangalagaan ang inyong personal na impormasyon.








Sources:
https://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:vJZYzvUGdngJ:https://www.cnbc.com/2018/02/09/watch-out-for-these-valentines-day-scams.html+&cd=1&hl=en&ct=clnk&gl=ph
https://www.wsoctv.com/news/trending/fedex-text-scam-what-you-need-know/X3Z5KIKZABBHTOZKGLV5YVGIHM/ 
https://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:i1z2HDZno6sJ:https://www.vox.com/the-goods/2019/2/13/18223499/ftc-catfishing-romance-dating-app-scams+&cd=10&hl=en&ct=clnk&gl=ph 
https://www.cnbc.com/2018/02/14/how-to-spot-a-valentines-day-scam.html
https://newsinfo.inquirer.net/1085417/pnp-beware-of-valentines-day-scams 





Comments

Thanks po sa info momsh and sa paalala, need talagang magingat ngayin, madaming manloloko hndi lng tuwing valentines kahit anong oagkakataon umaatake. Cla makpanloko lng ng tao. Thanks for sharing this Mommy Dhess ❤. Advance Happy valentines day
Lovell Compoc said…
yes, it can happen anytime, any season, any celebration.
Kaya those reminders are helpful Momsh, beware talaga lalo na if asking info and wala ka naman inexpect na padala or magpapadala sayo. Kapag may involve na personal details, bank account, cc card ekis na.

Popular posts from this blog

Tigdas/Measles: Mga Sintomas, Pagkain at Lunas

Pagkatapos ng Dengvaxia incident maraming magulang ang natakot na pabakunahan ang mga anak ng libreng bakuna na inaalok ng DOH Health Centers. Yung iba sa atin hindi na pinabakunahan ang mga anak laban sa measles, tetanus, rubella at cervical cancer
(HPV).

Nito lang week dinala namin uli si Chelsea sa Pedia nya dahil sa pabalik-balik na lagnat at ang napansin ko na rashes sa may bandang dibdib at tyan nya. Sinabi sa amin ng doctor na patuloy namin obserbahan si Chelsea dahil maaring mayroong Measles outbreak, sapagkat 3 na sa kanyang naging pasyente ng araw na iyon ay postive sa measles.

Nagdeclare ng measles outbreak ang DOH sa Zambonga City noong February 2018, 495 na kaso
sa Davao city starting from January-September 2108, at barangay sa taguig
noong March 2018.


Anu-ano nga ba ang sintomas ng tigdas (measles)? Mga kailangang gawin? Mga pagkain na 
pwede at bawal kainin.


2 uri ng tigdas o Measles

Tigdas
Tigdas Hangin


Sintomas:


Rashes o pamamantalDry coughLagnatSiponWalang gana kumainPag…

Say Yass! to Two Greenwich Lasagna Supreme Regular Pans for the price of one

Pasta comes in different shapes and sizes but whatever it is no one can keep us away from loving it whether it be a red or white sauce, Italian, Filipino Style, Pesto or in any way you like it pasta will be a Filipino favorite.

Speaking of pasta, aside from our regular favorites, this pasta has been a favorite of a lot of Filipino, and this is Lasagna, a delightful pasta dish oozing with multiple layers of meat and sauce on every layer of pasta and cheese, giving every bite a wonderful experience.

But what makes lasagna so special? The Greenwich Lasagna Supreme, for instance, an all-time favorite of actress and Greenwich kabarkada Yassi Pressman, has four delicious elements that make it so hard to resist.



It's beefy. One of the secrets to a great lasagna is in the meat. Greenwich uses high-quality ground beef that is perfectly simmered, browned and delicately flavored with spices to release its juicy and beefy flavors. If cooked correctly like the way Greenwich does it, the beef fl…

Nutri 10 Plus, Vitamins Perfect For Child's Growing Needs

Summer is already here. The temperature last week was 34°c and its getting hotter everyday. We have to open our windows to make sure that we won't get suffocated because of the heat. Summer is also the season of flu, bacteria that can cause cough and build up of phlegm. Kids should always be geared with proper protection. Their body needs protection from harmful diseases.

That's why I was so thankful that I used Nutri 10 vitamins for my Chelsea. This is the kind of vitamins that she really need. For sure most of you know that Chelsea is a picky eater. She only eat if we have Sinigang or gravy that she put in her steamed rice.



After taking Nutri 10 for almost a month now. I noticed some changes in her appetite and daily routine.  Before, Chelsea stays up until 2 am and wakes up around 11 am. Thankfully that routine changed and she also started to eat vegetables.
As a mom I'm always worried because I know that she is not getting the right nutrients that her body needs.


Now …