Skip to main content

Protect your heart and bank account this love month








Masakit mabasted. Pero mas masakit mawalan ng pera sa bank account.

Habang papalapit ang araw ng mga puso huwag hayaang maging biktima ng mga mapagsamantala, hindi lahat ng mga matatamis na salita ay ginawa para paibigin ka, it rin ay ginagamit ng ibang tao para maloko ka, lalong lalo na ng mga kawatan na handing samantalahin ang ganitong mga okasyon para sa pansariling kapakanan.

Todo ang pangungumbinsing ginagawa ng ilang kawatan hanggang sa makuha nila ang inyong personal na impormasyon, na gagamitin nila para mapasok ang iyong account at makuha ang lamang pera nito.

Alam nilang manipulahin at paglaruan ang feelings ng mga tao kapag Valentine’s. Base sa report ng US Federal Trade Commission, $143 milyon ang nawala sa mahigit 21,000 kaso ng cyberfraud sa Amerika nung 2018. Mas marami pa ito kumpara sa $33 milyon mula sa 8,500 kaso nung 2015.

Pero merong mga paraan para maiwasang ma-fall sa mga scam na ‘di lang masakit sa puso, kundi rin sa bulsa. Ito ang ilan sa mga pwede n’yong gawin ngayong buwan ng Feb-ibig.


Signed, sealed, delivered—sa e-mail mo!

Maaaring nakatanggap ka ng text message mula sa isang service provider na nagsasabing merong bulaklak o ibang Valentine’s gift na ide-deliver sa ‘yo. Laman ng text ang iyong pangalan, isang order tracking number, at isang link papunta sa website ng service provider.

Kapag nasa website ka na, hihingin na nito ang ilang personal na detalye para makuha mo ang sinasabing mga ide-deliver. Maaari ka rin daw bigyan ng isang special gift, basta maipasok mo ang iyong credit card number.


Love Note #1: ‘Wag basta i-click ang mga pekeng website

Posibleng inatake ka ng mga scammer gamit ang isang pekeng website, na kopyang-kopya ang lehitimo at pinagkakatiwalaang website ng isang kumpanya. Ginagamit ito para makakuha ng personal na impormasyon para makapagnakaw ang mga cyber-kawatan mula sa inyong mga bank account. Kung sa tingin n’yo’y peke ang napuntahang website, bisitahin ang official website ng kumpanya.

Phishing ang tawag sa gawaing ito. Para labanan ang phishing, iniiwasan ng maraming kumpanya, lalo na ang mga bangkong gaya ng BDO, na magpadala ng mga text o e-mail na may mga website link. Tandaang hinding-hindi magpapadala ang BDO ng text o e-mail para ma-verify ang inyong account. Kung sa tingin n’yo’y nakatanggap kayo ng phishing message, agad itong i-report sa ReportPhishing@bdo.com.ph.


Matchy matchy!

Nakakuha ka ng ka-match mo sa isang dating app. Maganda ang kanyang profile. At dahil nakita niya ang iyong magandang profile, siyempre, gagawin niya ang lahat para ika’y kilalanin. Sasabihin niya sa ‘yo na mataas ang kanyang pinag-aralan at meron siyang magandang trabaho o negosyo. Mapapaniwala ka naman sa ganda ng kanyang profile.

Kapag nangyari ‘yun, magsasabi siya na meron siyang problema sa pera. Pwede itong tungkol sa negosyo o sa isang kamag-anak na may matinding sakit. Gagawa siya ng kwento base rin sa profile mo para kalauna’y makahingi siya ng pinansyal na tulong. Maaari siyang magpadeposito ng pera sa bangko o humingi ng personal na impormasyon. Maging alerto! ‘Wag ma-fall sa kanyang panloloko.


Love Note #2: ‘Wag na ‘wag i-share ang inyong personal na impormasyon

Ang taong masyadong mapagtiwala, malamang magiging biktima – sa pag-ibig man o sa pakikipag-usap sa taong akala’y katiwa-tiwala, pero ‘yun pala’y may kalokohang balak. Walang pinipiling panahon ang cyber-kawatan kahit pa buwan ng mga puso. Kaya laging paalala ng kapulisan, maging mapanuri, lalo na sa mga humihingi ng pera sa inyo.

Maging alisto sa inyong mga nakakahalubilo, online man o offline. Wala namang problema na mag-share kayo ng mga kwento ukol sa isa’t isa, pero ‘wag ang inyong sensitibong impormasyon na dapat kayo lang ang nakakaalam, tulad ng account usernames, passwords, at one-time passwords (OTP).

‘Wag na wag i-share ang mga sensitibong impormasyon kahit kanino, kahit sa kamag-anak, malapit na kaibigan, o kahit sa nagpapakilalang taga-BDO. Tandaan: hinding-hindi hihingin ng BDO ang inyong personal na impormasyon.


Love Note #3: Laging maging alerto kontra-scam

Kahit kailan, maski buwan ng mga puso, ay walang puso ang mga scammer. Mambibiktima lang sila ng kung sinong madaling mahulog sa kanilang patibong.


Pero may pwede kayong gawin para labanan sila. Basta kayo’y laging alerto at mapanuri, kaya ninyong maisahan ang mga scammer at mapangalagaan ang inyong personal na impormasyon.








Sources:
https://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:vJZYzvUGdngJ:https://www.cnbc.com/2018/02/09/watch-out-for-these-valentines-day-scams.html+&cd=1&hl=en&ct=clnk&gl=ph
https://www.wsoctv.com/news/trending/fedex-text-scam-what-you-need-know/X3Z5KIKZABBHTOZKGLV5YVGIHM/ 
https://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:i1z2HDZno6sJ:https://www.vox.com/the-goods/2019/2/13/18223499/ftc-catfishing-romance-dating-app-scams+&cd=10&hl=en&ct=clnk&gl=ph 
https://www.cnbc.com/2018/02/14/how-to-spot-a-valentines-day-scam.html
https://newsinfo.inquirer.net/1085417/pnp-beware-of-valentines-day-scams 





Comments

Thanks po sa info momsh and sa paalala, need talagang magingat ngayin, madaming manloloko hndi lng tuwing valentines kahit anong oagkakataon umaatake. Cla makpanloko lng ng tao. Thanks for sharing this Mommy Dhess ❤. Advance Happy valentines day
Lovell Compoc said…
yes, it can happen anytime, any season, any celebration.
Kaya those reminders are helpful Momsh, beware talaga lalo na if asking info and wala ka naman inexpect na padala or magpapadala sayo. Kapag may involve na personal details, bank account, cc card ekis na.

Popular posts from this blog

Tigdas/Measles: Mga Sintomas, Pagkain at Lunas

Pagkatapos ng Dengvaxia incident maraming magulang ang natakot na pabakunahan ang mga anak ng libreng bakuna na inaalok ng DOH Health Centers. Yung iba sa atin hindi na pinabakunahan ang mga anak laban sa measles, tetanus, rubella at cervical cancer (HPV). Nito lang week dinala namin uli si Chelsea sa Pedia nya dahil sa pabalik-balik na lagnat at ang napansin ko na rashes sa may bandang dibdib at tyan nya. Sinabi sa amin ng doctor na patuloy namin obserbahan si Chelsea dahil maaring mayroong Measles outbreak, sapagkat 3 na sa kanyang naging pasyente ng araw na iyon ay postive sa measles. Nagdeclare ng measles outbreak ang DOH sa Zambonga City noong February 2018, 495 na kaso sa Davao city starting from January-September 2108, at barangay sa taguig noong March 2018. Anu-ano nga ba ang sintomas ng tigdas (measles)? Mga kailangang gawin? Mga pagkain na  pwede at bawal kainin. 2 uri ng tigdas o Measles Tigdas Tigdas Hangin Sintomas: Rashes o pamamantal Dry c...

Best Korean Fried Chicken Is Now in the Philippines + Giveaway

Do you know, that you can now indulge the taste and enjoy the Authentic Korean Fried Chicken here in the Metro. You heard me right, You don't have to buy tickets and fly to Korea to taste an authentic Korean food. So, join me guys in my adventure in one of the newly opened  RestoPub in Ortigas. K-pop, Korean TV Series, Cosmetic Products and Korean Food are very famous to us Filipinos. I'm one of the avid fan of Korean Dramas and Food. I usually crave for Korean food after watching K-Dramas at home that's why I'm always hunting for that one restaurant that can really satisfy my taste buds for Korean dishes. The long wait is over! Recently, Gangnam Wings just opened its doors to the public, the newly opened restopub located in SM Megamall Building A Megastrip. Managed  by Chef Jung Chungyeal ( Chef John ) and Rinky Tuano. They started Gangnam Wings because of passion and love for food. They also like to introduce to us Filipinos the real taste ...

Dengue is Real, Keep Your Child Safe with OFF! Lotion

Our Family is always our top priority. It was September of 2015 when my daughter was hospitalized and turned out to be positive for Dengue, as a mom I was so scared. Nurses always come in to our room every 6 hours to get blood sample from my daughter for them to monitor her platelet count.  It was an unpleasant sight for me to see my daughter in that condition at her young age. When my daughter cries due to the pain of needle inserted to her skin, it was a more painful scene and sound for me, wishing that all of what I see and hear are not real, it was really heart breaking. It was that same month in which Dengue case was really prominent and a lot of kids are being rushed to the same hospital to be treated, we stayed in the hospital for more than a week for my daughter's recovery and since then, I always said to my self "Never Again" that I will allow this to happen and was thankful to God that she guided my daughter Before our stay in the ho...