Skip to main content

Posts

Showing posts from November 17, 2024

BDO, nagbabala laban sa mga ‘vishing’ scam

PATULOY na pinag-iingat ang publiko laban sa tinatawag na "vishing" o voice phishing scam na kadalasang tumatarget ng mga bank depositor o online bank account client para nakawin ang kanilang pinaghirapang pera. Ang vishing ay isang modus ng scam kung saan ang scammer ay tumatawag upang makumbinsi ang kanilang nabiktima na magbigay ng sensitibong impormasyon tulad ng bank account details. Kapag nakuha na ang nasabing impormasyon, dito na maaaring nakawin ng scammer ang laman ng bank account ng biktima. Ayon sa BDO Unibank, narito ang ilan sa kadalasang ginagamit na modus ng mga vishing scammer upang mangbiktima: Tatawag sa biktima at magpapanggap na representante ng isang ahensya ng gobyerno, bangko, o di kaya'y magpapadala ng text o direct message para sila na mismo ang tawagan ng napili nilang biktima. Upang makumbinsi ang biktima na sya ay lehitimo, gagamit ang scammer ng impormasyong tungkol sa credit card o bank account ng biktima bilang dahilan ng kanyang pagtawag. ...