Skip to main content

BDO, nagbabala laban sa mga ‘vishing’ scam



PATULOY na pinag-iingat ang publiko laban sa tinatawag na "vishing" o voice phishing scam na kadalasang tumatarget ng mga bank depositor o online bank account client para nakawin ang kanilang pinaghirapang pera.


Ang vishing ay isang modus ng scam kung saan ang scammer ay tumatawag upang makumbinsi ang kanilang nabiktima na magbigay ng sensitibong impormasyon tulad ng bank account details. Kapag nakuha na ang nasabing impormasyon, dito na maaaring nakawin ng scammer ang laman ng bank account ng biktima.


Ayon sa BDO Unibank, narito ang ilan sa kadalasang ginagamit na modus ng mga vishing scammer upang mangbiktima:


Tatawag sa biktima at magpapanggap na representante ng isang ahensya ng gobyerno, bangko, o di kaya'y magpapadala ng text o direct message para sila na mismo ang tawagan ng napili nilang biktima.


Upang makumbinsi ang biktima na sya ay lehitimo, gagamit ang scammer ng impormasyong tungkol sa credit card o bank account ng biktima bilang dahilan ng kanyang pagtawag. Ang mga impormasyong ito ay maaaring makuha ng mga scammer sa mga dokumentong may sensitibong detalye na hindi naitapon ng maayos, o sa mga posts sa social media ng mismong biktima. May mga pagkakataon din na bumibisita o sumasali mismo ang mga scammer sa mga "credit card o bank account groups" sa social media para doon sila maghanap ng mabibiktima.  


Gagamit ng pananakot o mabilis at kapani-paniwalang pananalita ang mga scammer upang tuluyang makumbinsi ang kanilang biktima, tulad ng mga katagang "na-hack ang iyong account", "may na-detect na problema sa account mo", "Congrats! Nanalo ka ng...," "Special Offer! Effective only today!," o inaatasan ang biktima na i-activate ang isang offer sa ATM kapalit ng isang reward.  


Habang tumatagal ang usapan, tumataas din ang posibilidad na makumbinsi ng scammer ang biktima. Dahil inaakala ng biktima na lehitimo ito at hindi nya makayang putulin ang tawag o ibaba ang telepono, mas malaki rin ang posibilidad na sundin nya kung anomang instructions ang ibigay ng scammer tulad ng pagbibigay ng Card Verification Value o CVV ng credit card, username at password ng online bank account, One-Time PIN o OTP, o ang pag-click sa isang link na ipapadala ng scammer.

Sa lahat ng mga nabanggit na scenario, ang pinakakaraniwan dito ay ang pagmamadali ng scammer sa biktima nila na umaksyon na agad habang kausap ito sa telepono. Dahil dito, maaaring mataranta ang biktima at sumunod sa mga ibibigay na utos ng scammer.


Upang hindi maging biktima ng vishing scam, nagpapaalala ang BDO sa publiko na laging maging mahinahon kung makakatanggap ng text o tawag lalo sa mga hindi rehistradong numero. Dagdag pa ng bangko na kahit na alam ng scammer ang numero, pangalan at trabaho nila, huwag kaagad maniniwala sa binibitawang mensahe o susunod sa mga instruction nito. Marapat na tapusin na ang tawag lalo na kung may pagmamadali, at tumawag sa official customer service hotline ng sinasabing ahensya o bangko, dagdag pa ng BDO.


Ayon pa sa BDO, matapos ma-verify na peke ang nasabing tawag, i-block na agad ang numerong ginamit ng scammer at i-report ang insidente sa Customer Contact Center nito.


Para alamin ang iba’t-ibang uri ng scam at tips kung paano makakaiwas dito, marapat na bumisita lang sa www.bdo.com.ph. #BDOStopScam




Comments

Popular posts from this blog

Tigdas/Measles: Mga Sintomas, Pagkain at Lunas

Pagkatapos ng Dengvaxia incident maraming magulang ang natakot na pabakunahan ang mga anak ng libreng bakuna na inaalok ng DOH Health Centers. Yung iba sa atin hindi na pinabakunahan ang mga anak laban sa measles, tetanus, rubella at cervical cancer (HPV). Nito lang week dinala namin uli si Chelsea sa Pedia nya dahil sa pabalik-balik na lagnat at ang napansin ko na rashes sa may bandang dibdib at tyan nya. Sinabi sa amin ng doctor na patuloy namin obserbahan si Chelsea dahil maaring mayroong Measles outbreak, sapagkat 3 na sa kanyang naging pasyente ng araw na iyon ay postive sa measles. Nagdeclare ng measles outbreak ang DOH sa Zambonga City noong February 2018, 495 na kaso sa Davao city starting from January-September 2108, at barangay sa taguig noong March 2018. Anu-ano nga ba ang sintomas ng tigdas (measles)? Mga kailangang gawin? Mga pagkain na  pwede at bawal kainin. 2 uri ng tigdas o Measles Tigdas Tigdas Hangin Sintomas: Rashes o pamamantal Dry c...

Best Korean Fried Chicken Is Now in the Philippines + Giveaway

Do you know, that you can now indulge the taste and enjoy the Authentic Korean Fried Chicken here in the Metro. You heard me right, You don't have to buy tickets and fly to Korea to taste an authentic Korean food. So, join me guys in my adventure in one of the newly opened  RestoPub in Ortigas. K-pop, Korean TV Series, Cosmetic Products and Korean Food are very famous to us Filipinos. I'm one of the avid fan of Korean Dramas and Food. I usually crave for Korean food after watching K-Dramas at home that's why I'm always hunting for that one restaurant that can really satisfy my taste buds for Korean dishes. The long wait is over! Recently, Gangnam Wings just opened its doors to the public, the newly opened restopub located in SM Megamall Building A Megastrip. Managed  by Chef Jung Chungyeal ( Chef John ) and Rinky Tuano. They started Gangnam Wings because of passion and love for food. They also like to introduce to us Filipinos the real taste ...

Nutri 10 Plus, Vitamins Perfect For Child's Growing Needs

Summer is already here. The temperature last week was 34°c and its getting hotter everyday. We have to open our windows to make sure that we won't get suffocated because of the heat. Summer is also the season of flu, bacteria that can cause cough and build up of phlegm. Kids should always be geared with proper protection. Their body needs protection from harmful diseases. That's why I was so thankful that I used Nutri 10 vitamins for my Chelsea. This is the kind of vitamins that she really need. For sure most of you know that Chelsea is a picky eater. She only eat if we have Sinigang or gravy that she put in her steamed rice. After taking Nutri 10 for almost a month now. I noticed some changes in her appetite and daily routine.  Before, Chelsea stays up until 2 am and wakes up around 11 am. Thankfully that routine changed and she also started to eat vegetables. As a mom I'm always worried because I know that she is not getting the right nutrients that her ...